BANGGAAN NG TRICYCLE AT MOTORSIKLO, NAITALA SA DARAGA, ALBAY

ni: Ranny Ugalde


DARAGA, ALBAY - January 8, 2026 ganap na alas-4 ng hapon, isang insidente ng banggaan ang naganap sa national highway ng Purok 2, Barangay Tabon-Tabon, Daraga, Albay.

Sangkot sa insidente ang isang puting tricycle na may Plate Number E871JE at Daraga Tricycle Plate 0876, na minamaneho ng isang residente ng Purok 4, BaƱag, Daraga, Albay. Ang isa pang sangkot ay isang puting Honda Click na may Plate Number 976EZG, na minamaneho naman ng isang residente ng Purok 6, Tugpaon, Bascaran, Daraga, Albay.

Ayon sa mga saksi, magkasunod na bumabagtas patungong Daraga ang tricycle at ang motorsiklo na kung saan nagkaroon ng nasabing insidente malapit sa Caltex Gasoline Station.

Agad na rumesponde ang rescue ambulance ng Daraga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at isinugod sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) ang dalawang driver para sa agarang lunas dahil sa mga tinamong pinsala sa kanilang katawan.

Dumating din sa lugar ang Police Mobile na lulan ang mga rumespondeng pulis sa pangunguna ni PMSg Jacobe, ang itinalagang Traffic Investigator, upang magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga highway at lugar na may mga establisimyentong maaaring pasukan ng mga sasakyan.
                               ###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET