Franchise Renewal ng Katigbak Enterprises, Lusot na sa Komite sa Kamara; Cong. Loria, Nagpasalamat
Franchise Renewal ng Katigbak Enterprises, Lusot na sa Komite sa Kamara; Cong. Loria, Nagpasalamat Quezon City, Philippines — Ganap nang inaprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang House Bill No. 6006, isang panukalang batas na naglalayong palawigin ang operasyon ng Katigbak Enterprises Incorporated sa loob ng susunod na 25 taon. Ang nasabing bill ay inisponsoran ni Congressman Caloy Andes Loria, na agad nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa komite matapos ang mabilis na pag-usad ng prangkisa. Ayon sa kongresista, ang Katigbak Enterprises ay may mahabang kasaysayan ng paglilingkod sa mga residente ng Southern Tagalog at Bicol Region sa pamamagitan ng radyo at telebisyon. Sa kanyang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Loria ang kritikal na papel ng naturang broadcast network sa pang-araw-araw na buhay ng mga Albayano at ng buong Kabikolan. "Digdi nyato nadadangog an mga bareta, an satong mga paboritong broadcaster, asin an mga importanteng anunsyo lalo ...