Pagdakip sa isang mangingisdang may deperensya sa pag-iisip sa bayan ng Cataingan, desperadong hakbang ng militar at pulis ayun sa NPA
BASAHIN | Pahayag sa Midya Jose Rapsing Command - NPA Masbate Ka Luz del Mar - Tagapagsalita Disyembre 14, 2025 Pagdakip sa isang mangingisdang may deperensya sa pag-iisip sa bayan ng Cataingan, desperadong hakbang ng militar at pulis Mariing pinasisinungalingan ng Jose Rapsing Command - NPA Masbate ang panghahambog ng militar at pulis na may nahuli silang mataas na upisyal ng NPA sa Masbate. Sa halip, kinukundena nito ang desperadong hakbang ng kumbinadong pwersa ng CIDG, RIU, SAC at PNP Cataingan sa paghuli kay Junito "Bonoy" Bultron, 56, isang mangingisda na may deperensya sa pag-iisip noong Disyembre 9, 2025 sa barangay Teresita, sa bayan ng Catingan. Pinalalabas ng militar at pulis na nahuli si Bultron sa barangay Malibas, Palanas at isa siyang kasapi ng New People's Army (NPA), myembro ng larangan 1 at rank no. 2 na may kasong murder. Labis itong ipanagtataka ng mga taga-Malibas lalo na ng mga kamag-anak at kakilala ni Bultron. Ayon sa kanila, kung saan-...