Posts

WHAT'S HOT?

Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital

Image
Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital PIODURAN, ALBAY – Binigyang-diin ni Gobernador Noel E. Rosal ang kahalagahan ng tapat at may malasakit na paglilingkod sa ginanap na soft opening ng Pioduran Memorial District Hospital ngayong araw. Sa kanyang mensahe, hinamon ng gobernador ang mga kawani ng ospital, partikular na ang mga nurse at doktor, na magsilbi nang may puso at dedikasyon para sa mga mamamayan ng Pioduran at mga karatig-bayan. “Serve with passion,” ani Rosal. “Dito sa ospital na ito, hindi lang tayo basta nagtatrabaho. Nandito tayo dahil pinili nating magsilbi sa ating kapwa.” Ipinaalala rin ng gobernador na sa larangan ng serbisyo publiko, walang sinuman ang “indispensable” o hindi mapapalitan. Ayon sa kanya, ang bawat posisyon—mula sa mga kawani ng ospital hanggang sa kanyang katungkulan bilang gobernador ay nakadepende sa tiwala ng taumbayan. “Nobody is indispensable in this world. Maski ang gobernado...

CT Scan sa Ziga Memorial District Hospital, Operational Na

Image
CT Scan sa Ziga Memorial District Hospital, Operational Na Masayang ibinahagi ni Governor Noel E. Rosal ang magandang balita na matapos ang tatlong taong paghihintay mula nang mabili ang kagamitan, opisyal nang nagawaran ng Certificate of Compliance (COC) ang bagong 32-slice CT Scan ng Ziga Memorial District Hospital. Ang nasabing CT Scan ay malaking tulong para sa mga pasyenteng nangangailangan ng mabilis at de-kalidad na diagnostic services sa lalawigan. Ayon sa gobernador, agad na nagsilbi ang nasabing makina kung saan nasa 20 pasyente na ang sumailalim sa procedure simula kahapon hanggang kaninang umaga.  Binigyang-diin ni Rosal ang kahalagahan nito upang hindi na lumayo pa ang mga residente at gumastos nang malaki sa mga pribadong klinika. Bukod sa bagong operasyonal na CT scan, pormal na ring binasbasan ang mga makabagong kagamitan gaya ng digital X-ray at modernong ultrasound machine sa nasabing hospital upang masiguro ang mabilis at de-kalidad na serbisyong medi...

Serbisyong LTO, Mas Ilalapit sa Publiko - Cong. Krisel Lagman

Image
Serbisyong LTO, Mas Ilalapit sa Publiko - Cong. Krisel Lagman TABACO CITY — Isang produktibong pagpupulong ang naganap sa pagitan ni Congresswoman Krisel Lagman at ng mga kinatawan mula sa Land Transportation Office (LTO) upang talakayin ang mga hakbang sa pagpapabuti ng serbisyo sa transportasyon para sa kanyang mga nasasakupan. Pangunahing layunin ng nasabing "courtesy call" at meeting ang mas mailapit pa sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng LTO, gaya ng pagpaparehistro ng sasakyan at pagkuha ng lisensya, upang hindi na kailanganin pang lumayo ng mga kababayan. Sa layuning mapabilis ang serbisyo para sa publiko, binigyang-diin ni Congresswoman Krisel Lagman sa kanyang pakikipagpulong sa Land Transportation Office (LTO) ang kahalagahan ng pagtugon sa mga hinaing ng mamamayan ukol sa bilis ng mga transaksyon sa ahensya.  Pinuri ng mambabatas ang LTO sa kanilang bukas na pakikipag-ugnayan at mabilis na pagtugon sa mga panawagan, habang kapwa naman nangako ang dalaw...

Lagman, Nagsalita Ukol sa Anti-Political Dynasty Bill at mga Isyu ng Impeachment

Image
Lagman, Nagsalita Ukol sa Anti-Political Dynasty Bill at mga Isyu ng Impeachment ALBAY, PILIPINAS — Sa isang eksklusibong panayam ng Bicol Net TV, hayagang ipinahayag ni Albay 1st District Congresswoman Krisel Lagman ang kanyang mga saloobin at kritisismo hinggil sa kasalukuyang takbo ng Anti-Political Dynasty Bill sa Kongreso at ang mga usaping impeachment na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Lagman, bagaman may pag-unlad ang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill na inilalabas sa ngayon, hindi ito ang bersyong inaasahan at ninanais ng maraming nagsusulong ng tunay na reporma.  Binigyang-diin niya na ang kasalukuyang committee report ay tila nagpapatibay o nag-iinstitusyonalisa lamang ng kasalukuyang kalagayan. "Imbis na ipagbawal ang political dynasties, parang ini-institusyonalisa pa natin ang pagkakaroon nito," saad ni Lagman. Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng bersyong ito, maaari pa ring magsilbi ang magkakapamilya, magkakapatid o magkakama...

Magapo ES, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Tagumpay ng Blessing at Inauguration ng New Learning Spaces

Image
Magapo ES, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Tagumpay ng Blessing at Inauguration ng New Learning Spaces TABACO CITY — Labis labis ang pasasalamat ang pamunuan ng Magapo Elementary School, sa pangunguna ng kanilang School Head na si Dr. Cecile Bellen Borjal, para sa matagumpay na blessing at inaugurasyon ng mga bagong Temporary Learning Spaces (TLS) sa kanilang paaralan.  Personal na kinilala ni Dr. Borjal ang malaking kontribusyon ng pamilya Lagman lalong lalo na ni Congresswoman Krisel Lagman at ang dedikasyon ng lahat ng mga indibidwal na naging katuwang upang maisakatuparan ang proyektong ito.  Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang mga bagong silid-aralan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang tuloy-tuloy at de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral sa kabila ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon, kaya naman lubos ang kanilang pagpapahalaga sa suportang ipinamalas ng lokal na pamahalaan at ng buong komunidad na nasa likod ng tagumpay na ito. | 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—»,...

PB Broncate, Personal na nagpasalamat sa Kay Congresswoman Lagman sa Bagong Temporary Learning Spaces sa Magapo Elementary School

Image
PB Broncate, Personal na nagpasalamat sa Kay Congresswoman Lagman sa Bagong Temporary Learning Spaces sa Magapo Elementary School TABACO CITY — Personal na ipinahayag ni Punong Barangay Joemar Broncate ang kanyang malalim na pasasalamat kay Congresswoman Krisel Lagman at sa lahat ng mga nakiisa para sa matagumpay na pagpapatayo ng mga Temporary Learning Spaces (TLS) sa Magapo Elementary School. Ang hakbang na ito ay tugon sa lumalaking pangangailangan ng mga mag-aaral para sa isang ligtas at maayos na silid-aralan habang hinihintay ang paghupa ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon.  Ayon kay PB Broncate, malaking tulong ang proyektong ito upang hindi mabalisa ang pag-aaral ng mga kabataan sa kanilang barangay. "Lubos ang ating pasasalamat kay Cong. Krisel Lagman sa kanyang walang sawang suporta sa ating sektor ng edukasyon. Hindi lamang ito basta gusali, ito ay simbolo ng pag-asa para sa ating mga mag-aaral dito sa Magapo," pahayag ng Punong Barangay. Sa gitna ng tagum...

Abandonadong Nayon, Ginawang Bagong Pag-asa para sa mga Mag-aaral

Image
Abandonadong Nayon, Ginawang Bagong Pag-asa para sa mga Mag-aaral TABACO CITY – Sa gitna ng banta ng Bulkang Mayon, isang makabago at "out-of-the-box" na solusyon ang ipinamalas ni Congresswoman Krisel Lagman para sa mga kabataang apektado ng kalamidad. Sa isang eksklusibong panayam ng Bicol Net TV, ibinahagi ng mambabatas ang kuwento sa likod ng pagtatayo ng isang temporary learning shelter (TLS) sa isang abandonadong nayon para sa mga mag-aaral ng Magapo Elementary School. Ayon kay Cong. Krisel, nabuo ang ideya nang makita niya ang kalagayan ng mga mag-aaral na kailangang lumikas tuwing nag-aalburoto ang bulkan. Sa halip na makipagsiksikan at makigamit ng silid-aralan sa San Vicente Elementary School na madalas ay hindi kondusibo sa pag-aaral, naisipan niyang i-convert ang mga luma at abandonadong istraktura sa isang relokasyon na nayon upang maging pansamantalang paaralan. "Nakita natin na sayang ang mga pasilidad na ito na nakatambay lang. Imbes na hayaan...