PB Broncate, Personal na nagpasalamat sa Kay Congresswoman Lagman sa Bagong Temporary Learning Spaces sa Magapo Elementary School
PB Broncate, Personal na nagpasalamat sa Kay Congresswoman Lagman sa Bagong Temporary Learning Spaces sa Magapo Elementary School
TABACO CITY — Personal na ipinahayag ni Punong Barangay Joemar Broncate ang kanyang malalim na pasasalamat kay Congresswoman Krisel Lagman at sa lahat ng mga nakiisa para sa matagumpay na pagpapatayo ng mga Temporary Learning Spaces (TLS) sa Magapo Elementary School.
Ang hakbang na ito ay tugon sa lumalaking pangangailangan ng mga mag-aaral para sa isang ligtas at maayos na silid-aralan habang hinihintay ang paghupa ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay PB Broncate, malaking tulong ang proyektong ito upang hindi mabalisa ang pag-aaral ng mga kabataan sa kanilang barangay.
"Lubos ang ating pasasalamat kay Cong. Krisel Lagman sa kanyang walang sawang suporta sa ating sektor ng edukasyon. Hindi lamang ito basta gusali, ito ay simbolo ng pag-asa para sa ating mga mag-aaral dito sa Magapo," pahayag ng Punong Barangay.
Sa gitna ng tagumpay ng proyekto, hindi kinalimutan ni Punong Barangay Joemar Broncate na kilalanin at pasalamatan ang Lokal na Pamahalaan para sa mabilis na koordinasyon, ang mga opisyal ng DepEd para sa kanilang teknikal na paggabay, at lalo na ang mga volunteer at magulang na nag-alay ng kanilang oras at lakas sa ilalim ng diwa ng bayanihan upang matiyak na maging ligtas at angkop ang mga bagong pasilidad para sa mga mag-aaral.
Binigyang-diin ni Broncate na ang pagkakaisa ng komunidad at ng mga mambabatas ang naging susi upang mabilis na matapos ang naturang mga temporary learning spaces.
Inaasahan na sa pamamagitan ng mga bagong silid na ito, mas magiging komportable at masigla ang mga bata sa kanilang pagpasok sa eskwela araw-araw.
| π‘π²πΉ ππ±ππΌπΌπ», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
###
Comments
Post a Comment