Posts

Showing posts with the label Local News

Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital

Image
Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital PIODURAN, ALBAY – Binigyang-diin ni Gobernador Noel E. Rosal ang kahalagahan ng tapat at may malasakit na paglilingkod sa ginanap na soft opening ng Pioduran Memorial District Hospital ngayong araw. Sa kanyang mensahe, hinamon ng gobernador ang mga kawani ng ospital, partikular na ang mga nurse at doktor, na magsilbi nang may puso at dedikasyon para sa mga mamamayan ng Pioduran at mga karatig-bayan. “Serve with passion,” ani Rosal. “Dito sa ospital na ito, hindi lang tayo basta nagtatrabaho. Nandito tayo dahil pinili nating magsilbi sa ating kapwa.” Ipinaalala rin ng gobernador na sa larangan ng serbisyo publiko, walang sinuman ang “indispensable” o hindi mapapalitan. Ayon sa kanya, ang bawat posisyon—mula sa mga kawani ng ospital hanggang sa kanyang katungkulan bilang gobernador ay nakadepende sa tiwala ng taumbayan. “Nobody is indispensable in this world. Maski ang gobernado...

CT Scan sa Ziga Memorial District Hospital, Operational Na

Image
CT Scan sa Ziga Memorial District Hospital, Operational Na Masayang ibinahagi ni Governor Noel E. Rosal ang magandang balita na matapos ang tatlong taong paghihintay mula nang mabili ang kagamitan, opisyal nang nagawaran ng Certificate of Compliance (COC) ang bagong 32-slice CT Scan ng Ziga Memorial District Hospital. Ang nasabing CT Scan ay malaking tulong para sa mga pasyenteng nangangailangan ng mabilis at de-kalidad na diagnostic services sa lalawigan. Ayon sa gobernador, agad na nagsilbi ang nasabing makina kung saan nasa 20 pasyente na ang sumailalim sa procedure simula kahapon hanggang kaninang umaga.  Binigyang-diin ni Rosal ang kahalagahan nito upang hindi na lumayo pa ang mga residente at gumastos nang malaki sa mga pribadong klinika. Bukod sa bagong operasyonal na CT scan, pormal na ring binasbasan ang mga makabagong kagamitan gaya ng digital X-ray at modernong ultrasound machine sa nasabing hospital upang masiguro ang mabilis at de-kalidad na serbisyong medi...

Serbisyong LTO, Mas Ilalapit sa Publiko - Cong. Krisel Lagman

Image
Serbisyong LTO, Mas Ilalapit sa Publiko - Cong. Krisel Lagman TABACO CITY — Isang produktibong pagpupulong ang naganap sa pagitan ni Congresswoman Krisel Lagman at ng mga kinatawan mula sa Land Transportation Office (LTO) upang talakayin ang mga hakbang sa pagpapabuti ng serbisyo sa transportasyon para sa kanyang mga nasasakupan. Pangunahing layunin ng nasabing "courtesy call" at meeting ang mas mailapit pa sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng LTO, gaya ng pagpaparehistro ng sasakyan at pagkuha ng lisensya, upang hindi na kailanganin pang lumayo ng mga kababayan. Sa layuning mapabilis ang serbisyo para sa publiko, binigyang-diin ni Congresswoman Krisel Lagman sa kanyang pakikipagpulong sa Land Transportation Office (LTO) ang kahalagahan ng pagtugon sa mga hinaing ng mamamayan ukol sa bilis ng mga transaksyon sa ahensya.  Pinuri ng mambabatas ang LTO sa kanilang bukas na pakikipag-ugnayan at mabilis na pagtugon sa mga panawagan, habang kapwa naman nangako ang dalaw...

Lagman, Nagsalita Ukol sa Anti-Political Dynasty Bill at mga Isyu ng Impeachment

Image
Lagman, Nagsalita Ukol sa Anti-Political Dynasty Bill at mga Isyu ng Impeachment ALBAY, PILIPINAS — Sa isang eksklusibong panayam ng Bicol Net TV, hayagang ipinahayag ni Albay 1st District Congresswoman Krisel Lagman ang kanyang mga saloobin at kritisismo hinggil sa kasalukuyang takbo ng Anti-Political Dynasty Bill sa Kongreso at ang mga usaping impeachment na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Lagman, bagaman may pag-unlad ang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill na inilalabas sa ngayon, hindi ito ang bersyong inaasahan at ninanais ng maraming nagsusulong ng tunay na reporma.  Binigyang-diin niya na ang kasalukuyang committee report ay tila nagpapatibay o nag-iinstitusyonalisa lamang ng kasalukuyang kalagayan. "Imbis na ipagbawal ang political dynasties, parang ini-institusyonalisa pa natin ang pagkakaroon nito," saad ni Lagman. Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng bersyong ito, maaari pa ring magsilbi ang magkakapamilya, magkakapatid o magkakama...

Magapo ES, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Tagumpay ng Blessing at Inauguration ng New Learning Spaces

Image
Magapo ES, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Tagumpay ng Blessing at Inauguration ng New Learning Spaces TABACO CITY — Labis labis ang pasasalamat ang pamunuan ng Magapo Elementary School, sa pangunguna ng kanilang School Head na si Dr. Cecile Bellen Borjal, para sa matagumpay na blessing at inaugurasyon ng mga bagong Temporary Learning Spaces (TLS) sa kanilang paaralan.  Personal na kinilala ni Dr. Borjal ang malaking kontribusyon ng pamilya Lagman lalong lalo na ni Congresswoman Krisel Lagman at ang dedikasyon ng lahat ng mga indibidwal na naging katuwang upang maisakatuparan ang proyektong ito.  Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang mga bagong silid-aralan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang tuloy-tuloy at de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral sa kabila ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon, kaya naman lubos ang kanilang pagpapahalaga sa suportang ipinamalas ng lokal na pamahalaan at ng buong komunidad na nasa likod ng tagumpay na ito. | 𝗡𝗲𝗹 𝗔𝗱𝘁𝗼𝗼𝗻,...

PB Broncate, Personal na nagpasalamat sa Kay Congresswoman Lagman sa Bagong Temporary Learning Spaces sa Magapo Elementary School

Image
PB Broncate, Personal na nagpasalamat sa Kay Congresswoman Lagman sa Bagong Temporary Learning Spaces sa Magapo Elementary School TABACO CITY — Personal na ipinahayag ni Punong Barangay Joemar Broncate ang kanyang malalim na pasasalamat kay Congresswoman Krisel Lagman at sa lahat ng mga nakiisa para sa matagumpay na pagpapatayo ng mga Temporary Learning Spaces (TLS) sa Magapo Elementary School. Ang hakbang na ito ay tugon sa lumalaking pangangailangan ng mga mag-aaral para sa isang ligtas at maayos na silid-aralan habang hinihintay ang paghupa ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon.  Ayon kay PB Broncate, malaking tulong ang proyektong ito upang hindi mabalisa ang pag-aaral ng mga kabataan sa kanilang barangay. "Lubos ang ating pasasalamat kay Cong. Krisel Lagman sa kanyang walang sawang suporta sa ating sektor ng edukasyon. Hindi lamang ito basta gusali, ito ay simbolo ng pag-asa para sa ating mga mag-aaral dito sa Magapo," pahayag ng Punong Barangay. Sa gitna ng tagum...

Abandonadong Nayon, Ginawang Bagong Pag-asa para sa mga Mag-aaral

Image
Abandonadong Nayon, Ginawang Bagong Pag-asa para sa mga Mag-aaral TABACO CITY – Sa gitna ng banta ng Bulkang Mayon, isang makabago at "out-of-the-box" na solusyon ang ipinamalas ni Congresswoman Krisel Lagman para sa mga kabataang apektado ng kalamidad. Sa isang eksklusibong panayam ng Bicol Net TV, ibinahagi ng mambabatas ang kuwento sa likod ng pagtatayo ng isang temporary learning shelter (TLS) sa isang abandonadong nayon para sa mga mag-aaral ng Magapo Elementary School. Ayon kay Cong. Krisel, nabuo ang ideya nang makita niya ang kalagayan ng mga mag-aaral na kailangang lumikas tuwing nag-aalburoto ang bulkan. Sa halip na makipagsiksikan at makigamit ng silid-aralan sa San Vicente Elementary School na madalas ay hindi kondusibo sa pag-aaral, naisipan niyang i-convert ang mga luma at abandonadong istraktura sa isang relokasyon na nayon upang maging pansamantalang paaralan. "Nakita natin na sayang ang mga pasilidad na ito na nakatambay lang. Imbes na hayaan...

Kolaborasyon at Pagkakaisa: Mensahe ni Cong. Krisel Lagman sa Inagurasyon ng TLS sa Magapo Elementary School

Image
Kolaborasyon at Pagkakaisa: Mensahe ni Cong. Krisel Lagman sa Inagurasyon ng TLS sa Magapo Elementary School TABACO CITY– Binigyang-diin ni Congresswoman Krisel Lagman ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor sa ginanap na blessing at inagurasyon ng Temporary Learning Space (TLS) sa Magapo Elementary School, na matatagpuan sa Hiraya Manawari Residences, Brgy. San Vicente. Sa kanyang naging talumpati, ipinahayag ng kinatawan ng Unang Distrito ng Albay na ang proyektong ito ay hindi lamang isang istraktura, kundi simbolo ng "bayanihan" sa gitna ng mga hamon sa sektor ng edukasyon. Ibinahagi din ni Cong. Lagman sa mga guro, magulang, at lokal na opisyal ang naging proseso kung paano naging katotohanan ang naturang TLS.  Ayon sa kanya, nagsimula ito sa isang pangangailangang hindi na pwedeng ipagpaliban: ang masiguro ang kaligtasan at kumportableng silid-aralan para sa mga batang mag-aaral ng Magapo. "Hindi ito magiging posible kung wala ang inyong tiwala...

Lumalalang Online Sexual Abuse sa Kababaihan at Kabataan, Ipinaiimbestigahan sa Kamara

Image
Lumalalang Online Sexual Abuse sa Kababaihan at Kabataan, Ipinaiimbestigahan sa Kamara QUEZON CITY – Upang matugunan ang tumitinding banta ng karahasan sa digital na mundo, pormal nang hiniling ni Albay 1st District Representative Krisel Lagman, kasama ang ilang kapwa mambabatas, ang isang malalimang imbestigasyon sa Kamara de Representantes hinggil sa talamak na kaso ng online abuse sa bansa. Sa ilalim ng inihain nilang resolusyon, layon ng mga mambabatas na busisiin ang mga sumusunod na seryosong isyu tulad ng Online Sexual Exploitation of Children (OSAEC), Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM), at Technology-Facilitated Gender-Based Violence (TFGBV) Ayon kay Cong. Lagman, mahalagang masuri ang kasalukuyang sitwasyon ng digital sexual abuse sa Pilipinas. Binigyang-diin niya na kailangang matukoy ang mga butas o kakulangan sa mga umiiral na batas upang masigurong sapat ang proteksyong ibinibigay sa kababaihan at kabataan laban sa mga mapagsamantala sa intern...

Koleksyon sa Quarry ng Albay, Pumalo sa ₱160-M; Administrasyong Rosal, Binuweltahan ang mga Kritiko

Image
Koleksyon sa Quarry ng Albay, Pumalo sa ₱160-M; Administrasyong Rosal, Binuweltahan ang mga Kritiko LEGAZPI CITY, Albay – Sa gitna ng kaliwa’t kanang pag-atake at paghahanap ng mga kritiko sa kita ng lalawigan, inilabas ng administrasyon ni Gobernador Noel E. Rosal ang opisyal na ulat na nagpapakita ng matagumpay na koleksyon mula sa industriya ng quarrying. Sa pamamagitan ni Provincial Administrator Raul Rosal, isiniwalat ang datos mula sa Provincial Treasurer’s Office na nagpapatunay na umabot sa ₱160,102,152.55 ang kabuuang Total Monthly Generated Collection mula Hulyo hanggang Disyembre 2025. Ang paglalabas ng nasabing dokumento ay nagsisilbing tugon ng administrasyong Rosal sa mga alegasyon ng mga kritiko na tila "nawawala" o hindi maipaliwanag ang pondo mula sa quarry. Ayon sa ulat, ang malaking bulto ng koleksyon ay nagmula sa Total Resource Tax na nagkakahalaga ng ₱147,366,750.00. Binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan na ang bawat sentimo ...

Jeremy Cruz, Itinalaga bilang Bagong Hepe ng Provincial Education Department sa Albay

Image
Jeremy Cruz, Itinalaga bilang Bagong Hepe ng Provincial Education Department sa Albay LUNGSOD NG LEGAZPI – Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Jeremy Cruz bilang bagong Department Head ng Provincial Education Department (PED) ngayong araw, Marso 19, 2026. Isinagawa ang seremonya ng panunumpa sa harap ni Albay Provincial Governor Noel E. Rosal sa loob ng Kapitolyo. Ang pagtatalaga kay Cruz ay bahagi ng adhikain ng administrasyong Rosal na lalong palakasin ang mga programa sa edukasyon at itaas ang kalidad ng serbisyo para sa mga mag-aaral na Albayano. Sa kaniyang naging pahayag matapos ang oath-taking, nagpasalamat si Cruz sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng gobernador.  Binigyang-diin niya ang kaniyang kahandaan na makipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang masiguro na ang bawat kabataang Albayano ay magkakaroon ng sapat na suporta sa kanilang pag-aaral, partikular na sa mga scholarship programs at pasilidad ng mga paaralan.  "Isang malaking karangal...

Selebrasyon ng Pinangat Festival sa Camalig, Kanselado na rin

Image
Selebrasyon ng Pinangat Festival sa Camalig, Kanselado na rin CAMALIG, ALBAY — Opisyal na inanunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Camalig ang pagpapaliban ng inaabangang Pinangat Festival ngayong taon. Ang desisyong ito ay resulta ng masusing pag-aaral at rekomendasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Camalig Tourism and Cultural Heritage Council (CTCHC). Sa kasalukuyan, ang bayan ng Camalig ay nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, na nananatili sa Alert Level 3. Ayon sa alkalde, hindi ligtas na magdaos ng malalaking okasyon habang may banta pa ng panganib.  Binigyang-diin ni Alkalde Caloy Baldo na sakaling itaas ng PHIVOLCS ang Alert Level 4, mahigit 10,000 indibidwal ang direktang maaapektaran, na nangangailangan ng mas malawak na interbensyon mula sa lokal na pamahalaan. Bukod sa seguridad, binigyang-halaga rin ng pamahalaan ang sensibilidad sa kalagayan ng mga residente. "Hindi nara...

Binata, Bagsak sa Buy-Bust sa Legazpi City; Halos ₱17K na Halaga ng Shabu, Nasamsam

Image
Binata, Bagsak sa Buy-Bust sa Legazpi City; Halos ₱17K na Halaga ng Shabu, Nasamsam LEGAZPI CITY, Albay – Tuluyang nagwakas ang iligal na aktibidad ng isang 20-anyos na lalaki matapos itong madakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 4, Brgy. 2 Em’s Barrio South, hapon nitong Lunes, Marso 16, 2026. Kinilala ang suspek na si alyas "Darrel," isang residente ng naturang lugar. Ang operasyon ay ikinasa matapos makatanggap ang mga awtoridad ng reklamo mula sa komunidad hinggil sa talamak na bentahan ng droga sa paligid. Sa ilalim ng pamumuno ni IA III Noe S. Briguel, Provincial Officer ng PDEA Albay, matagumpay na naisagawa ang transaksyon bandang alas-2:30 ng hapon. Pinangunahan ng PDEA Albay Provincial Office ang operasyon sa tulong ng mga sumusunod na unit:  * PDEA RO 5 PECI (Team Leader: SO I Karen B. Galeng)  * PDEA RO 5 Special Enforcement Team 2  * Legazpi City Police Station  * Regional Maritime Unit 5 (R...

'Operation Tuli' sa Daraga, Albay, Kasado na Ngayong Abril!

Image
'Operation Tuli' sa Daraga, Albay, Kasado na Ngayong Abril! DARAGA, ALBAY – Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Daraga, sa pamumuno ni Mayor Victor Perete, para sa gaganaping Operation Tuli ngayong darating na Abril 6 hanggang 8, 2026. Layunin ng proyektong ito na magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga kabataang Daragueño na nais nang magbagong-buhay mula "bagets" patungong "binata." Ang aktibidad ay gaganapin sa Daraga Covered Court. Sa isang kwelang pahayag sa social media, pinaalalahanan ni Mayor Perete ang mga magulang na ihanda na ang mga maluluwag na shorts at palda para sa kanilang mga anak.  Binigyang-diin din ng alkalde ang mga sumusunod na detalye:  Petsa: Abril 6-8, 2026  Lokasyon: Daraga Covered Court  Slot: Limitado lamang sa 200 slots.  Polisiya: "Strictly First Come, First Served." Dahil sa limitadong slots, pinapayuhan ang mga residente na agahan ang pagpunta sa venue. Biro pa sa post ng alkalde, dap...

Guinobatan, Nananatiling Ligtas at Mapayapa – Mayor Ongjoco

Image
Guinobatan, Nananatiling Ligtas at Mapayapa – Mayor Ongjoco GUINOBATAN, ALBAY – Binigyang-diin ni Mayor Gemma Ongjoco na nananatiling payapa at ligtas ang buong bayan ng Guinobatan sa kabila ng ilang mga ulat ng krimen na naitatala sa lugar nitong mga nakaraang araw. Sa naging panayam ng Bicol Net TV, nilinaw ng alkalde na ang mga naganap na insidente ay maituturing na "isolated cases" lamang at hindi sumasalamin sa pangkalahatang sitwasyon ng seguridad sa bayan. Ayon kay Ongjoco, ang mga naturang pangyayari ay madalas na "beyond her control" o hindi inaasahan, ngunit hindi ito nangangahulugang nagpapabaya ang lokal na pamahalaan. Tiniyak ni Mayor Ongjoco na hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan (LGU) sa pakikipagtulungan sa mga otoridad upang mapanatili ang kaayusan.  Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa krimen, ipinapatupad ngayon ng lokal na pamahalaan ang mas mahigpit na seguridad sa mga estratehikong lugar kasabay ng pagsasa...

Governor Rosal, Target na Gawing ‘Logistics Hub’ ang Pantao Port sa Libon

Image
Governor Rosal, Target na Gawing ‘Logistics Hub’ ang Pantao Port sa Libon LIBON, ALBAY – Binigyang-diin ni Albay Governor Noel Rosal ang kanyang bisyon na i-upgrade at palawakin ang Pantao Port sa bayan ng Libon upang maging isang pangunahing logistics hub at sentro ng kalakalan sa west coast ng Albay. Sa kanyang naging pahayag, inilatag ng Gobernador ang mga planong pagsasaayos sa pasilidad upang mas lalo itong mapakinabangan ng mga negosyante at mamamayan. Ayon kay Rosal, kailangang lagyan ng mga bodega at depot ang pantalan para sa expansion nito. "Ang pighihiling ta, gusto ta padakulaon ini. May i-reprap kita dyan para sa expansion ta sa mga bodega. Kasi later on, mahalaga digdi su depot," ani Rosal. Bukod sa expansion ng mga gusali, tinukoy din ng Gobernador ang kakulangan ng mahahalagang pasilidad na tinawag niyang "missing links" sa operasyon ng port.  Kabilang dito ang pagtatayo ng ice plant at cold storage na magsisilbing imbakan hindi lamang ng...

BM Wilfredo Das Maronilla, Nagpaabot ng Pasasalamat kay DA Sec. Laurel sa P65-M na Tulong para sa Albay

Image
BM Wilfredo Das Maronilla, Nagpaabot ng Pasasalamat kay DA Sec. Laurel sa P65-M na Tulong para sa Albay LIBON, ALBAY — Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Albay Board Member Wilfredo “Das" Maronilla, ang Chairman ng Committee on Agriculture, kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa naging pagbisita nito sa lalawigan upang iabot ang mahalagang tulong sa sektor ng agrikultura. Sa isang eksklusibong panayam ng Bicol Net TV, binigyang-diin ni Maronilla ang malaking epekto ng bitbit na ayuda ng kalihim na nagkakahalaga ng 65 milyong piso. Ang nasabing halaga ay binubuo ng iba’t ibang agricultural interventions, kagamitan, at suportang pinansyal na direktang itunurn-over sa mga lokal na benepisyaryo. Ayon kay Maronilla, isang malaking karangalan at ginhawa para sa mga magsasaka at mangingisdang Albayano na makitang mismong ang kalihim ng DA ang bumababa sa kanilang lalawigan. "Personal tayong nagpapasalamat kay Secretary Francisco Lau...

MGA KONGRESISTA NG ALBAY, NAGKAISA SA PAGBUWAG NG ‘PROVINCIAL RATE'

Image
MGA KONGRESISTA NG ALBAY, NAGKAISA SA PAGBUWAG NG ‘PROVINCIAL RATE' LUNGSOD NG LEGAZPI — Nagpakita ng isang malakas at nagkakaisang prente ang buong lalawigan ng Albay matapos kumpirmahin ng mga kinatawan ng tatlong distrito nito ang kanilang buong suporta sa pagsasabatas ng National Minimum Wage Act. Layunin ng nasabing panukalang batas, ang House Bill 8081, na tuluyan nang buwagin ang sistemang "provincial rate" na matagal nang idinadaing ng mga manggagawa sa labas ng Metro Manila. Sa isang pambihirang pagkakataon, nagpahayag ng "full attendance" at suporta ang mga mambabatas ng Albay upang itulak ang pantay na pasahod sa buong bansa. Ang mga sumusunod na kinatawan ay nakiisa sa panawagan: • 1st District: Rep. Krisel Lagman • 2nd District: Rep. Caloy Andes Loria • 3rd District: Rep. Adrian Salceda Ang hakbang na ito ay umani ng papuri mula sa iba't ibang sektor sa lalawigan, kalakip ang pasasalamat sa kanilang paninindigan para sa karapatan ng mga loka...

Naga City, Nagreyna sa Palarong Bicol 2026, Matagumpay na Nabawi ang Kampeonato

Image
Naga City, Nagreyna sa Palarong Bicol 2026, Matagumpay na Nabawi ang Kampeonato LEGAZPI CITY – Matapos ang anim na araw ng matinding tagisan ng lakas at galing, opisyal nang itinanghal ang delegasyon ng Naga City bilang Overall Champion sa pagtatapos ng Palarong Bicol 2026 ngayong ika-7 ng Marso. Sa huling talaan ng medalya, namayagpag ang Naga City matapos makalikom ng kabuuang 77 ginto, 60 pilak, at 58 tanso. Ang tagumpay na ito ay nagsilbing "redemption" para sa koponan matapos silang pumangalawa lamang sa Albay noong nakaraang taon. Mahigpit ang naging labanan sa pagitan ng mga nangungunang delegasyon, ngunit nanatiling matatag ang Naga City sa mga huling araw ng kompetisyon. Narito ang naging final ranking ng mga delegasyon: Ayon kay Dr. Susan Collano, Schools Division Superintendent ng Naga City, naging susi sa kanilang pagkapanalo ang dominasyon sa mga individual sports gaya ng archery, arnis, at taekwondo.  Nagpakitang-gilas din ang kanilang mg...

TESDA at Cong. Caloy Loria, Nagkaisa para sa Mas Malawak na Skills Training sa Albay

Image
TESDA at Cong. Caloy Loria, Nagkaisa para sa Mas Malawak na Skills Training sa Albay LEGAZPI CITY, ALBAY — Patuloy ang paglakas ng mga programa para sa kabuhayan sa Ikalawang Distrito ng Albay matapos ang isinagawang partnership meeting sa pagitan ng opisina ni Congressman Caloy Andes Loria at ng TESDA Region V. Sa pangunguna ni TESDA Regional Director Archie A. Grande, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga estratehiya kung paano pa lalong mapapalawig ang mga skills training at pagbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga residente ng distrito. Ayon kay Congressman Loria, ang pangunahing layunin ng pakikipagtulungang ito sa TESDA ay nakatuon sa tatlong mahahalagang haligi para sa mga Albayano, una ay ang pagbibigay ng de-kalidad na pagsasanay sa iba't ibang teknikal na kurso, pangalawa ay ang pagbubukas ng mga pinto para sa lokal at internasyonal na trabaho, at ang pangatlo ay ang pagtiyak na ang bawat manggagawa ay may sapat na kaalaman upang maitaguyod ang mar...