Guinobatan, Nananatiling Ligtas at Mapayapa – Mayor Ongjoco
Guinobatan, Nananatiling Ligtas at Mapayapa – Mayor Ongjoco
GUINOBATAN, ALBAY – Binigyang-diin ni Mayor Gemma Ongjoco na nananatiling payapa at ligtas ang buong bayan ng Guinobatan sa kabila ng ilang mga ulat ng krimen na naitatala sa lugar nitong mga nakaraang araw.
Sa naging panayam ng Bicol Net TV, nilinaw ng alkalde na ang mga naganap na insidente ay maituturing na "isolated cases" lamang at hindi sumasalamin sa pangkalahatang sitwasyon ng seguridad sa bayan. Ayon kay Ongjoco, ang mga naturang pangyayari ay madalas na "beyond her control" o hindi inaasahan, ngunit hindi ito nangangahulugang nagpapabaya ang lokal na pamahalaan.
Tiniyak ni Mayor Ongjoco na hindi tumitigil ang Lokal na Pamahalaan (LGU) sa pakikipagtulungan sa mga otoridad upang mapanatili ang kaayusan.
Bilang bahagi ng mas pinalakas na kampanya laban sa krimen, ipinapatupad ngayon ng lokal na pamahalaan ang mas mahigpit na seguridad sa mga estratehikong lugar kasabay ng pagsasagawa ng mga programa para sa crime prevention upang matiyak na hindi na muling mauulit ang mga katulad na insidente sa bayan. Binigyang-diin din ng pamunuan ang kahalagahan ng mabilis na pagresponde ng kapulisan sa anumang tawag ng pangangailangan upang masiguro ang kaligtasan at kapanatagan ng bawat mamamayan.
"Ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat para hindi na maulit ang mga pangyayaring ito sa Bayan ng Guinobatan," pahayag ng alkalde sa naturang panayam.
Nanawagan din ang alkalde sa kanyang mga nasasakupan na manatiling kalmado at makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad sa kanilang mga barangay.
| π‘π²πΉ ππ±ππΌπΌπ», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
###
Comments
Post a Comment