'Operation Tuli' sa Daraga, Albay, Kasado na Ngayong Abril!
'Operation Tuli' sa Daraga, Albay, Kasado na Ngayong Abril!
DARAGA, ALBAY – Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Daraga, sa pamumuno ni Mayor Victor Perete, para sa gaganaping Operation Tuli ngayong darating na Abril 6 hanggang 8, 2026.
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga kabataang Daragueรฑo na nais nang magbagong-buhay mula "bagets" patungong "binata." Ang aktibidad ay gaganapin sa Daraga Covered Court.
Sa isang kwelang pahayag sa social media, pinaalalahanan ni Mayor Perete ang mga magulang na ihanda na ang mga maluluwag na shorts at palda para sa kanilang mga anak.
Binigyang-diin din ng alkalde ang mga sumusunod na detalye:
Petsa: Abril 6-8, 2026
Lokasyon: Daraga Covered Court
Slot: Limitado lamang sa 200 slots.
Polisiya: "Strictly First Come, First Served."
Dahil sa limitadong slots, pinapayuhan ang mga residente na agahan ang pagpunta sa venue. Biro pa sa post ng alkalde, dapat masigurong hindi "aabutan ng kaba" at kumaripas ng takbo ang mga bata bago pa man makasalang sa operasyon.
Ang Operation Tuli ay bahagi ng taunang health program ng LGU Daraga upang masiguro ang kaligtasan at kalinisan ng mga kabataan sa bayan sa pamamagitan ng libre at maayos na pamamaraang medikal.
| ๐ก๐ฒ๐น ๐๐ฑ๐๐ผ๐ผ๐ป, Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
๐ธ Courtesy: NAVFORSOL
###
Comments
Post a Comment