Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital

Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital


PIODURAN, ALBAY – Binigyang-diin ni Gobernador Noel E. Rosal ang kahalagahan ng tapat at may malasakit na paglilingkod sa ginanap na soft opening ng Pioduran Memorial District Hospital ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, hinamon ng gobernador ang mga kawani ng ospital, partikular na ang mga nurse at doktor, na magsilbi nang may puso at dedikasyon para sa mga mamamayan ng Pioduran at mga karatig-bayan.

“Serve with passion,” ani Rosal. “Dito sa ospital na ito, hindi lang tayo basta nagtatrabaho. Nandito tayo dahil pinili nating magsilbi sa ating kapwa.”

Ipinaalala rin ng gobernador na sa larangan ng serbisyo publiko, walang sinuman ang “indispensable” o hindi mapapalitan. Ayon sa kanya, ang bawat posisyon—mula sa mga kawani ng ospital hanggang sa kanyang katungkulan bilang gobernador ay nakadepende sa tiwala ng taumbayan.

“Nobody is indispensable in this world. Maski ang gobernador, nandito ako dahil binotohan niyo ako. Sa susunod, kung hindi niyo na ako botohan, baka hindi na tayo magkita rito,” birong pahayag ng gobernador na umani ng tawanan mula sa mga dumalo.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na ang pinakaimportante ay ang pagbibigay ng best effort habang nasa katungkulan.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa Sangguniang Panlalawigan at sa lokal na pamahalaan ng Pioduran sa pamumuno ni Mayor Vangie Arandia. Ayon kay Rosal, ang bagong pasilidad ay hindi lamang para sa kasalukuyang henerasyon kundi isang pamana para sa mga susunod pang kabataan ng Albay.

Ang Pioduran Memorial District Hospital ay inaasahang magbibigay ng mas mabilis at abot-kayang serbisyong medikal sa mga residente, lalo na sa mga nangangailangan, upang hindi na kailanganin pang bumiyahe nang malayo patungo sa mga pangunahing ospital sa Legazpi City.

| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV

simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET