CT Scan sa Ziga Memorial District Hospital, Operational Na

CT Scan sa Ziga Memorial District Hospital, Operational Na
Masayang ibinahagi ni Governor Noel E. Rosal ang magandang balita na matapos ang tatlong taong paghihintay mula nang mabili ang kagamitan, opisyal nang nagawaran ng Certificate of Compliance (COC) ang bagong 32-slice CT Scan ng Ziga Memorial District Hospital.

Ang nasabing CT Scan ay malaking tulong para sa mga pasyenteng nangangailangan ng mabilis at de-kalidad na diagnostic services sa lalawigan.

Ayon sa gobernador, agad na nagsilbi ang nasabing makina kung saan nasa 20 pasyente na ang sumailalim sa procedure simula kahapon hanggang kaninang umaga. 

Binigyang-diin ni Rosal ang kahalagahan nito upang hindi na lumayo pa ang mga residente at gumastos nang malaki sa mga pribadong klinika.

Bukod sa bagong operasyonal na CT scan, pormal na ring binasbasan ang mga makabagong kagamitan gaya ng digital X-ray at modernong ultrasound machine sa nasabing hospital upang masiguro ang mabilis at de-kalidad na serbisyong medikal para sa mga mamamayan. 

Dahil sa mga bagong pasilidad na ito, hindi na kailangang lumabas pa ng ospital ang mga pasyente, bukod pa sa garantisadong mas mura at abot-kayang gastusin dahil maaaring i-charge ang bayad sa PhilHealth o sa programang MAIFIPP.

Maging ang minimal na reading fee ng mga doktor ay maaari ring masakop ng tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong pasyente, na naglalayong pagaanin ang pasaning medikal ng publiko habang unti-unting kinukumpleto ang mga pasilidad ng nasabing ospital.

"Luway-luway na kokompleto ta na ang Ziga Hospital (Unti-unti na nating nakukumpleto ang mga kagamitan sa Ziga Hospital)," pahayag ni Gov. Rosal sa kanyang ulat sa publiko.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng pasilidad ng ospital upang masiguro na ang mga mamamayan ay makakatanggap ng world-class na serbisyong medikal nang hindi mabigat sa bulsa.
| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET