Binata, Bagsak sa Buy-Bust sa Legazpi City; Halos ₱17K na Halaga ng Shabu, Nasamsam

Binata, Bagsak sa Buy-Bust sa Legazpi City; Halos ₱17K na Halaga ng Shabu, Nasamsam

LEGAZPI CITY, Albay – Tuluyang nagwakas ang iligal na aktibidad ng isang 20-anyos na lalaki matapos itong madakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 4, Brgy. 2 Em’s Barrio South, hapon nitong Lunes, Marso 16, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas "Darrel," isang residente ng naturang lugar. Ang operasyon ay ikinasa matapos makatanggap ang mga awtoridad ng reklamo mula sa komunidad hinggil sa talamak na bentahan ng droga sa paligid.

Sa ilalim ng pamumuno ni IA III Noe S. Briguel, Provincial Officer ng PDEA Albay, matagumpay na naisagawa ang transaksyon bandang alas-2:30 ng hapon. Pinangunahan ng PDEA Albay Provincial Office ang operasyon sa tulong ng mga sumusunod na unit:
 * PDEA RO 5 PECI (Team Leader: SO I Karen B. Galeng)
 * PDEA RO 5 Special Enforcement Team 2
 * Legazpi City Police Station
 * Regional Maritime Unit 5 (RSOT-PNP)
 * Coast Guard Intelligence Unit Albay

Nakuha mula sa suspek ang isang hot-seald plastic sachet na may tinatayang timbang na umaabot sa 2.5 g at pinaniniwalaang shabu na may slestimated Street Price Php. 10,000.00 at Standard Value price na aabot ng Php. 17,000.00.

Bukod sa droga, narekober din ang isang tunay na ₱500 bill na ginamit bilang buy-bust money, ilang piraso ng boodle money, at isang asul na plastic na may tatak na "Nips" na pinagtaguan ng ebidensya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET