TESDA at Cong. Caloy Loria, Nagkaisa para sa Mas Malawak na Skills Training sa Albay

TESDA at Cong. Caloy Loria, Nagkaisa para sa Mas Malawak na Skills Training sa Albay
LEGAZPI CITY, ALBAY — Patuloy ang paglakas ng mga programa para sa kabuhayan sa Ikalawang Distrito ng Albay matapos ang isinagawang partnership meeting sa pagitan ng opisina ni Congressman Caloy Andes Loria at ng TESDA Region V.

Sa pangunguna ni TESDA Regional Director Archie A. Grande, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga estratehiya kung paano pa lalong mapapalawig ang mga skills training at pagbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga residente ng distrito.

Ayon kay Congressman Loria, ang pangunahing layunin ng pakikipagtulungang ito sa TESDA ay nakatuon sa tatlong mahahalagang haligi para sa mga Albayano, una ay ang pagbibigay ng de-kalidad na pagsasanay sa iba't ibang teknikal na kurso, pangalawa ay ang pagbubukas ng mga pinto para sa lokal at internasyonal na trabaho, at ang pangatlo ay ang pagtiyak na ang bawat manggagawa ay may sapat na kaalaman upang maitaguyod ang marangal na pamumuhay.

 "An satuyang katuyuhan sa pakikipagtabangan sa TESDA: kakayahan, oportunidad, asin dignidad sa trabaho para sa mas dakul pang mga Albayano," aniya sa kanyang pahayag.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at ng mga ahensya ng gobyerno gaya ng TESDA ang susi upang tahakin ang landas patungo sa tunay na pagbabago sa lalawigan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng pag-igting ng partnership na ito, mas maraming kabataan at mga nagnanais magkaroon ng bagong kasanayan ang makikinabang sa mga darating na scholarship programs at livelihood trainings sa malapit na hinaharap.

| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET