Magapo ES, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Tagumpay ng Blessing at Inauguration ng New Learning Spaces
Magapo ES, Nagpaabot ng Pasasalamat sa Tagumpay ng Blessing at Inauguration ng New Learning Spaces
TABACO CITY — Labis labis ang pasasalamat ang pamunuan ng Magapo Elementary School, sa pangunguna ng kanilang School Head na si Dr. Cecile Bellen Borjal, para sa matagumpay na blessing at inaugurasyon ng mga bagong Temporary Learning Spaces (TLS) sa kanilang paaralan.
Personal na kinilala ni Dr. Borjal ang malaking kontribusyon ng pamilya Lagman lalong lalo na ni Congresswoman Krisel Lagman at ang dedikasyon ng lahat ng mga indibidwal na naging katuwang upang maisakatuparan ang proyektong ito.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang mga bagong silid-aralan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang tuloy-tuloy at de-kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral sa kabila ng pagaalburoto ng Bulkang Mayon, kaya naman lubos ang kanilang pagpapahalaga sa suportang ipinamalas ng lokal na pamahalaan at ng buong komunidad na nasa likod ng tagumpay na ito.
| π‘π²πΉ ππ±ππΌπΌπ», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
###
Comments
Post a Comment