Jeremy Cruz, Itinalaga bilang Bagong Hepe ng Provincial Education Department sa Albay
Jeremy Cruz, Itinalaga bilang Bagong Hepe ng Provincial Education Department sa Albay
LUNGSOD NG LEGAZPI – Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Jeremy Cruz bilang bagong Department Head ng Provincial Education Department (PED) ngayong araw, Marso 19, 2026.
Isinagawa ang seremonya ng panunumpa sa harap ni Albay Provincial Governor Noel E. Rosal sa loob ng Kapitolyo. Ang pagtatalaga kay Cruz ay bahagi ng adhikain ng administrasyong Rosal na lalong palakasin ang mga programa sa edukasyon at itaas ang kalidad ng serbisyo para sa mga mag-aaral na Albayano.
Sa kaniyang naging pahayag matapos ang oath-taking, nagpasalamat si Cruz sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng gobernador.
Binigyang-diin niya ang kaniyang kahandaan na makipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang masiguro na ang bawat kabataang Albayano ay magkakaroon ng sapat na suporta sa kanilang pag-aaral, partikular na sa mga scholarship programs at pasilidad ng mga paaralan.
"Isang malaking karangalan at hamon ang pamunuan ang PED. Makakaasa ang ating mga kababayan na tututukan natin ang mga inisyatibong tunay na makakatulong sa ating mga estudyante at guro," ani Cruz.
Samantala, nagpahayag din ng kumpiyansa si Governor Rosal sa kakayahan ni Cruz na pamunuan ang nasabing departamento. Inaasahan na sa ilalim ng bagong pamumuno, magkakaroon ng mga bagong reporma at mas mabilis na implementasyon ng mga proyektong pang-edukasyon sa buong lalawigan.
Inaasahang agad na sisimulan ni Cruz ang kaniyang mga tungkulin ngayong linggo upang balangkasin ang mga prayoridad na programa ng PED para sa nalalabi pang bahagi ng taon.
| π‘π²πΉ ππ±ππΌπΌπ», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
###
Comments
Post a Comment