Kolaborasyon at Pagkakaisa: Mensahe ni Cong. Krisel Lagman sa Inagurasyon ng TLS sa Magapo Elementary School
Kolaborasyon at Pagkakaisa: Mensahe ni Cong. Krisel Lagman sa Inagurasyon ng TLS sa Magapo Elementary School
TABACO CITY– Binigyang-diin ni Congresswoman Krisel Lagman ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor sa ginanap na blessing at inagurasyon ng Temporary Learning Space (TLS) sa Magapo Elementary School, na matatagpuan sa Hiraya Manawari Residences, Brgy. San Vicente.
Sa kanyang naging talumpati, ipinahayag ng kinatawan ng Unang Distrito ng Albay na ang proyektong ito ay hindi lamang isang istraktura, kundi simbolo ng "bayanihan" sa gitna ng mga hamon sa sektor ng edukasyon.
Ibinahagi din ni Cong. Lagman sa mga guro, magulang, at lokal na opisyal ang naging proseso kung paano naging katotohanan ang naturang TLS.
Ayon sa kanya, nagsimula ito sa isang pangangailangang hindi na pwedeng ipagpaliban: ang masiguro ang kaligtasan at kumportableng silid-aralan para sa mga batang mag-aaral ng Magapo.
"Hindi ito magiging posible kung wala ang inyong tiwala at ang ating pagkakaisa. Ang kwento ng TLS na ito ay kwento ng pagsisikap nating lahat na walang batang maiiwan sa kanilang pag-aaral," aniya.
Pangunahing tema ng mensahe ng mambabatas ang collaboration. Naniniwala si Lagman na ang pag-unlad ng mga pasilidad sa paaralan ay responsibilidad hindi lamang ng gobyerno kundi maging ng komunidad.
Binigyang-pugay rin niya ang kooperasyon ng mga stakeholder sa Hiraya Manawari Residences at ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng espasyo at suporta upang maisakatuparan ang proyektong ito sa lalong madaling panahon.
Ang bagong TLS ay inaasahang magbibigay ng mas conducive na kapaligiran para sa pagtuturo at pagkatuto habang hinihintay na humupa sa pagaalburoto ang Bulkang Mayon at manumbalik ang normal na kabuhayan sa naturang lugar.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasya ni Cong. Lagman na itaguyod ang de-kalidad na edukasyon sa buong distrito.
Sa pagtatapos ng programa, muling nagpasalamat ang pamunuan ng Magapo Elementary School sa mabilis na aksyon at malasakit na ipinamalas ng opisina ng kongresista para sa kapakanan ng mga Tabaqueรฑong mag-aaral.
| ๐ก๐ฒ๐น ๐๐ฑ๐๐ผ๐ผ๐ป, Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
###
Comments
Post a Comment