BM Wilfredo Das Maronilla, Nagpaabot ng Pasasalamat kay DA Sec. Laurel sa P65-M na Tulong para sa Albay
BM Wilfredo Das Maronilla, Nagpaabot ng Pasasalamat kay DA Sec. Laurel sa P65-M na Tulong para sa Albay
LIBON, ALBAY — Personal na nagpaabot ng pasasalamat si Albay Board Member Wilfredo “Das" Maronilla, ang Chairman ng Committee on Agriculture, kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa naging pagbisita nito sa lalawigan upang iabot ang mahalagang tulong sa sektor ng agrikultura.
Sa isang eksklusibong panayam ng Bicol Net TV, binigyang-diin ni Maronilla ang malaking epekto ng bitbit na ayuda ng kalihim na nagkakahalaga ng 65 milyong piso. Ang nasabing halaga ay binubuo ng iba’t ibang agricultural interventions, kagamitan, at suportang pinansyal na direktang itunurn-over sa mga lokal na benepisyaryo.
Ayon kay Maronilla, isang malaking karangalan at ginhawa para sa mga magsasaka at mangingisdang Albayano na makitang mismong ang kalihim ng DA ang bumababa sa kanilang lalawigan.
"Personal tayong nagpapasalamat kay Secretary Francisco Laurel Jr. dahil hindi niya kinalimutan ang Albay. Ang pagbisita niyang ito ay patunay na naririnig ng national government ang hinaing ng ating mga farmers at fisherfolks," pahayag ni Maronilla sa panayam.
Direktang Interbensyon para sa Kabuhayan
Ang 65 milyong pisong halaga ng interbensyon ay inaasahang magpapalakas sa produksyon ng pagkain sa lalawigan at makakatulong sa pagbangon ng mga sektor na madalas maapektuhan ng mga kalamidad. Kabilang sa mga ipinamahagi ay mga kagamitang pang-agrikultura, Binhi at abono, at suporta para sa mga mangingisda.
Lubos din ang pasasalamat ni Maronilla kay Albay Governor Noel Rosal sa kanyang mga inisyatibo upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.
Tiniyak din ni Maronilla na bilang tagapangulo ng komite ng agrikultura sa Sangguniang Panlalawigan, patuloy niyang babantayan ang implementasyon ng mga proyektong ito upang masiguro na makakarating ang tulong sa mga tunay na nangangailangan.
Aniya, ang maayos na ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Albay at ng Department of Agriculture ay susi upang mas lalo pang mapalago ang kabuhayan sa kanayunan.
| π‘π²πΉ ππ±ππΌπΌπ», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
###
Comments
Post a Comment