Lumalalang Online Sexual Abuse sa Kababaihan at Kabataan, Ipinaiimbestigahan sa Kamara

Lumalalang Online Sexual Abuse sa Kababaihan at Kabataan, Ipinaiimbestigahan sa Kamara
QUEZON CITY – Upang matugunan ang tumitinding banta ng karahasan sa digital na mundo, pormal nang hiniling ni Albay 1st District Representative Krisel Lagman, kasama ang ilang kapwa mambabatas, ang isang malalimang imbestigasyon sa Kamara de Representantes hinggil sa talamak na kaso ng online abuse sa bansa.

Sa ilalim ng inihain nilang resolusyon, layon ng mga mambabatas na busisiin ang mga sumusunod na seryosong isyu tulad ng Online Sexual Exploitation of Children (OSAEC), Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM), at Technology-Facilitated Gender-Based Violence (TFGBV)

Ayon kay Cong. Lagman, mahalagang masuri ang kasalukuyang sitwasyon ng digital sexual abuse sa Pilipinas. Binigyang-diin niya na kailangang matukoy ang mga butas o kakulangan sa mga umiiral na batas upang masigurong sapat ang proteksyong ibinibigay sa kababaihan at kabataan laban sa mga mapagsamantala sa internet.

"Mahalagang mapalakas ang ating mga polisiya at enforcement measures upang masigurong napapanagot ang mga sangkot at hindi na madagdagan pa ang mga biktima," anang mambabatas.

Iginiit din ng grupo ang pangangailangan ng mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng, Pamahalaan (para sa mas mabilis na pagpapatupad ng batas), Digital Platforms (tulad ng social media sites kung saan nagaganap ang pang-aabuso) at ng mga Civil Society (para sa suporta sa mga biktima).

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya na gawing ligtas at protektado ang digital environment para sa lahat, lalo na para sa mga pinakamahihina sa lipunan.

| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET