Franchise Renewal ng Katigbak Enterprises, Lusot na sa Komite sa Kamara; Cong. Loria, Nagpasalamat

Franchise Renewal ng Katigbak Enterprises, Lusot na sa Komite sa Kamara; Cong. Loria, Nagpasalamat
Quezon City, Philippines — Ganap nang inaprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang House Bill No. 6006, isang panukalang batas na naglalayong palawigin ang operasyon ng Katigbak Enterprises Incorporated sa loob ng susunod na 25 taon.

Ang nasabing bill ay inisponsoran ni Congressman Caloy Andes Loria, na agad nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa komite matapos ang mabilis na pag-usad ng prangkisa. Ayon sa kongresista, ang Katigbak Enterprises ay may mahabang kasaysayan ng paglilingkod sa mga residente ng Southern Tagalog at Bicol Region sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.

Sa kanyang opisyal na pahayag, binigyang-diin ni Loria ang kritikal na papel ng naturang broadcast network sa pang-araw-araw na buhay ng mga Albayano at ng buong Kabikolan.

"Digdi nyato nadadangog an mga bareta, an satong mga paboritong broadcaster, asin an mga importanteng anunsyo lalo na sa panahon nin bagyo, kalamidad, asin iba pang emergency," ani Loria sa wikang Bicol. (Dito natin naririnig ang mga balita, ang ating mga paboritong broadcaster, at ang mga importanteng anunsyo lalo na sa panahon ng bagyo, kalamidad, at iba pang emergency.)

Dagdag pa ng kongresista, hindi matatawaran ang halaga ng pagkakaroon ng maaasahab at mabilis na mapagkukunan ng impormasyon, lalo na para sa mga komunidad na malayo sa sentro.

Narito ang ilang mahahalagang puntos kung bakit isinusulong ang renewal ng prangkisa:
Ayon pa sa mambabatas na kaya niya isinusulong ang nasabing renewal ng prangkisa sapagkat napakahalaga nito sa, Patuloy na pagbibigay ng makahulugang balita at impormasyon sa kanyang mga kababayan, nagsisilbi rin umano itong pangunahing daluyan ng babala sa panahon ng mga sakuna at kalamidad, at nagpapanatili ng ugnayan ng mga lokal na broadcaster sa kanilang mga tagapakinig sa rehiyon.

Sa pag-apruba ng komite, inaasahang tutuloy na ang panukala sa plenaryo para sa susunod na mga pagbasa bago ito tuluyang maging batas. Tiniyak ni Congressman Loria na mananatili siyang katuwang ng publiko sa paggarantiya na ang mga serbisyong gaya nito ay makakaabot sa bawat sulok ng kanyang nasasakupan.

###

|Nel Adtoon, Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET