Malawakang Paglikas sa Kritikal na Barangay sa Daraga, Sinimulan na Dahil sa Bagyong Ada

DARAGA, ALBAY – Sinimulan kanina ang malawakang paglikas sa mga residente ng Barangay BaƱadero at Barangay Matnog bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Depression Ada. Ayon kay Mayor Victor Perete, layunin ng hakbang na ito na matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan bago pa man tumama ang masamang panahon.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa mga opisyal ng barangay upang mabilis na mailipat ang mga pamilya sa mga itinalagang evacuation centers. Binigyang-diin ng alkalde na kritikal ang maagang paglikas upang maiwasan ang anumang unti-unting panganib na dala ng bagyo sa mga nabanggit na lugar.

Sa kanyang mensahe, nakiusap si Mayor Perete sa lahat ng mga residente na sumunod agad sa mga abiso ng mga awtoridad at huwag nang mag-atubili. "Nakiusap po ako sa lahat na magsunod tulos sa abiso san satun na mga awtoridad dangan mag-ingat kita pirmi," aniya sa wikang Bicolano, na nagpapaalala sa kahalagahan ng kooperasyon sa gitna ng sakuna.

Kasalukuyan nang naka-standby ang mga rescue teams at relief goods para sa mga apektadong residente. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at subaybayan ang mga susunod na ulat mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

| Nel Adtoon, Simpleng Duon, Bicol Net TV
maestroneladtoon@gmail.com 

#SimplengDuon
#SimplengAksyon
#BicolNetTV
#BicolNews
#BaretangBicol

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET