Mayor Victor Perete, Wala Pang Natatanggap na Subpoena mula sa Ombudsman

Mayor Victor Perete, Wala Pang Natatanggap na Subpoena mula sa Ombudsman

ni: Nel Adtoon
DARAGA, ALBAY — Nanindigan si Mayor Victor Perete na wala pa siyang natatanggap na anumang opisyal na subpoena o dokumento mula sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng mga kumakalat na balitang may isinampang kaso laban sa kanya.

Sa gitna ng mga espekulasyon, nilinaw ng alkalde na nananatili siyang kampante dahil wala pang pormal na abiso mula sa nasabing ahensya. Binigyang-diin niya na hindi siya nagpapaapekto sa mga usaping ito at mas pinipiling ituon ang kanyang atensyon sa pamamahala sa bayan.

Ayon kay Mayor Perete, patuloy ang kanyang normal na operasyon sa munisipyo at hindi nahihinto ang paghahatid ng serbisyo sa publiko. Aniya: "Patuloy lang tayo sa pagtatrabaho at paglilingkod nang tapat sa mga DaragueƱo."

Tiniyak din ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na prayoridad pa rin niya ang mga programa at proyektong makakabuti sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Daraga. 

Sa ngayon, nananatiling bukas ang kanyang tanggapan para sa mga pangangailangan ng bayan habang hinihintay ang anumang opisyal na komunikasyon kung mayroon man talagang legal na hakbang na isinagawa laban sa kanya.

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET