DA, NAG-ABOT NG MILYONG-MILYONG PROYEKTO SA ALBAY, PANTAO PORT MAGIGING SENTRO NG AGRI-LOGISTICS
DA, NAG-ABOT NG MILYONG-MILYONG PROYEKTO SA ALBAY, PANTAO PORT MAGIGING SENTRO NG AGRI-LOGISTICS
LIBON, ALBAY – Pormal nang ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA) ang iba’t ibang interbensyon at mga proyekto para sa sektor ng agrikultura sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ngayong araw, Marso 12, 2026, sa isang seremonya na ginanap sa Pantao Port, Pantao, Libon.
Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco T. Laurel Jr. ang pagbisita sa lalawigan upang personal na iabot ang mga kagamitan at pondong nakalaan para sa mga magsasaka at mangingisda ng Bicol. Mainit naman siyang tinanggap ni Albay Provincial Governor Noel E. Rosal kasama ang iba pang lokal na opisyal.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Secretary Laurel ang estratehikong kahalagahan ng Pantao Port bilang isang pangunahing agri-port sa rehiyon. Ayon sa kalihim, ang modernisasyon ng pasilidad na ito ay bahagi ng mas malawak na plano ng administrasyon para sa 2026 na layuning bawasan ang gastos sa lohistika at mapabilis ang pagbiyahe ng mga produktong agrikultural mula sa Albay patungo sa iba pang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga ipinagkaloob sa seremonya ay ang 10million pesos para sa hatchery ng lalawigan, mga kagamitan sa pagsasaka at ang mga binhi para sa mga magsasakang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. Masaya ring ibinalita ni Laurel ang nakatalaan na pagpapatayo ng cold storage units upang maiwasan ang pagka-bulok ng mga ani.
Nagpasalamat naman si Governor Noel Rosal sa patuloy na suporta ng pambansang pamahalaan. Ayon sa gobernador, ang mga proyektong ito ay malaking tulong upang mas mapataas ang produksyon ng pagkain sa Albay at mabigyan ng mas disenteng kita ang mga lokal na producer.
Matatandaang ang 2026 ay itinuturing na "banner year" para sa agrikultura sa Pilipinas dahil sa mataas na alokasyon ng budget para sa mga farm-to-market roads at modernisasyon, na nakikitang magpapalago sa ekonomiya ng mga lalawigang tulad ng Albay.
| π‘π²πΉ ππ±ππΌπΌπ», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
###
Comments
Post a Comment