Indian National, Patay sa Pamamaril sa Guinobatan Public Market

Indian National, Patay sa Pamamaril sa Guinobatan Public Market
GUINOBATAN, ALBAY – Wala nang buhay nang dumating sa ospital ang isang Indian National matapos itong barilin sa loob mismo ng Guinobatan Public Market ngayong Biyernes ng umaga, March 6, 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang nasabing biktima ay agad na isinugod sa Daraga Doctors Hospital matapos ang insidente. Gayunpaman, idineklara itong dead on arrival ng mga sumuring doktor.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy sa kung ano ang naging motibo ng pamamaril sa gitna ng mataong palengke. Patuloy rin ang pagtugis at pagalam sa pagkakakilanlan sa salarin na mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Nagdulot ng tensyon sa mga mamimili at tindero sa nasabing palengke ang pangyayari, habang hinihintay pa ang opisyal na pahayag mula sa pamilya ng biktima at karagdagang detalye mula sa Guinobatan Municipal Police Station.

| Nel Adtoon, Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET