Lagman, Personal na Binista ang Ridge Road Project sa Bacacay, Konsultasyon sa mga Residente, Isinagawa

Lagman, Personal na Binista ang Ridge Road Project sa Bacacay, Konsultasyon sa mga Residente, Isinagawa
BACACAY, ALBAY — Personal na tinungo ni Albay 1st District Congresswoman Krisel Lagman ang ridge road project na sumasakop sa tatlong barangay sa bayan ng Bacacay upang direktang pakinggan ang sitwasyon at hinaing ng mga residente sa lugar.

Binisita ng mambabatas ang mga barangay ng Cagbulacao, Manaet, at Tanagan kasama ang Regional Project Monitoring Team na pinamumunuan ni Regional Director Cha Berces ng DEPDev Region 5.

Ayon kay Lagman, mahalaga ang ganitong uri ng "face-to-face" na konsultasyon sa pagitan ng komunidad at ng mga ahensya ng gobyerno. 

Layunin umano nito na makinig sa mga direktang hamon na kinakaharap ng mga residente dahil sa proyekto, maghanap ng solusyon sa mga teknikal o lokal na isyu na bumabalot sa Ridge Road at siguraduhin na ang boses ng taumbayan ay bahagi ng pagpapaunlad ng mga imprastraktura.

"Kaisa tayo ng mga taga-Bacacay sa pagtutok sa Ridge Road Project. Mahalaga ang direktang konsultasyon... upang mahanapan ng solusyon ang mga hamon sa proyektong ito," pahayag ni Lagman.
Nagpasalamat din ang kongresista sa suporta at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at lokal na opisyal upang masiguro ang tagumpay ng nasabing proyekto. Kabilang sa mga nakiisa ay ang Department of Economic and Project Development (DepDev), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Environmental Management Bureau (EMB), at ang Presidential Management Staff (PMS)
Patuloy ang monitoring ng opisina ni Lagman sa Ridge Road upang matiyak na magiging kapaki-pakinabang ito para sa ekonomiya at transportasyon ng mga nabanggit na barangay sa Bacacay.

📸 Cong. Krisel Lagman

|Nel Adtoon Simpleng Duon Bicol Net TV 
simplengduon@bicolnet.com

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET