SUNWEST EMPLOYEES LUMUSOB SA DOLE Dahil sa hindi bayad na 13th Month Pay at 'unclear termination'
SUNWEST EMPLOYEES LUMUSOB SA DOLE Dahil sa hindi bayad na 13th Month Pay at 'unclear termination' LEGAZPI CITY — Dumulog sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga empleyado ng kumpanyang Sunwest Inc. upang pormal na ireklamo ang pamunuan nito hinggil sa hindi pa rin natatanggap na benepisyo at umano’y iregular na polisiya sa pagtatrabaho. Ayon sa mga nagrereklamong manggagawa, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na 13th month pay para sa nakaraang taon. Binigyang-diin ng grupo na tila naging "tradisyon" o kalakaran na ng kumpanya ang palaging pagpapaantala sa pagbibigay ng nasabing mandatoryong benepisyo, ngunit ang insidente ngayong taon ang pinakamalala dahil tuluyan na itong hindi naibigay. Dahil sa kawalan ng sahod at benepisyo, mariing ipinahayag ng mga empleyado ang kanilang sentimyento: "Gutom na ang aming mga pamilya. Hirap na hirap na kami dahil ang inaasahan naming pambayad sa mga utang at panggastos...