SUNWEST EMPLOYEES LUMUSOB SA DOLE Dahil sa hindi bayad na 13th Month Pay at 'unclear termination'

SUNWEST EMPLOYEES LUMUSOB SA DOLE Dahil sa hindi bayad na 13th Month Pay at 'unclear termination'
LEGAZPI CITY — Dumulog sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga empleyado ng kumpanyang Sunwest Inc. upang pormal na ireklamo ang pamunuan nito hinggil sa hindi pa rin natatanggap na benepisyo at umano’y iregular na polisiya sa pagtatrabaho.

Ayon sa mga nagrereklamong manggagawa, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na 13th month pay para sa nakaraang taon. Binigyang-diin ng grupo na tila naging "tradisyon" o kalakaran na ng kumpanya ang palaging pagpapaantala sa pagbibigay ng nasabing mandatoryong benepisyo, ngunit ang insidente ngayong taon ang pinakamalala dahil tuluyan na itong hindi naibigay.

Dahil sa kawalan ng sahod at benepisyo, mariing ipinahayag ng mga empleyado ang kanilang sentimyento:

"Gutom na ang aming mga pamilya. Hirap na hirap na kami dahil ang inaasahan naming pambayad sa mga utang at panggastos sa araw-araw ay hindi pa rin dumarating."

Bukod sa 13th month pay, inireklamo rin ng mga kawani ang malabong status ng kanilang pagkaka-empleyo. 

Idinaing din ng mga empleyado ang kawalan ng kaukulang dokumento matapos silang pag-clearance nang walang ibinigay na retrenchment o termination letter, na naging malaking hadlang upang makakuha sila ng unemployment benefits at iba pang claims mula sa SSS na lubos sanang makatutulong sa kanilang kinakaharap na krisis pinansyal.

Nanawagan ang mga manggagawa sa DOLE na mabilisang aksyunan ang kanilang reklamo at obligahin ang Sunwest Inc. na ibigay ang nararapat na sahod at benepisyo ayon sa batas. Sa ilalim ng Labor Code ng Pilipinas, ang 13th month pay ay dapat maibigay sa mga empleyado nang hindi lalampas ng ika-24 ng Disyembre bawat taon.

Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na pahayag mula sa panig ng Sunwest Inc. hinggil sa mga alegasyong ito.

| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash

SI SALCEDA, SI CO, SI BONGALON ASIN AN KONTROBERSIYA SA 2024 BUDGET