BABALA NG DILG, SINUWAY?LGU Legazpi Vehicle, Namamasyal sa Sorsogon Gayong Holiday?


BABALA NG DILG, SINUWAY?
LGU Legazpi Vehicle, Namamasyal sa Sorsogon Gayong Holiday?
LEGAZPI CITY – Mainit ngayon sa mata ng publiko ang isang service vehicle ng Lokal na Pamahalaan ng Legazpi matapos itong mamataan at makuhanan ng larawan habang bumababayad sa lalawigan ng Sorsogon nitong Black Saturday, sa kabila ng mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng sasakyang gobyerno para sa personal na lakad.

Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa timing ng paggamit ng sasakyan. Bukod sa idineklarang holiday ang Black Saturday, kinuwestiyon din ang paggamit ng krudo o gasolina na nagmumula sa kaban ng bayan o buwis ng mga mamamayan, lalo na sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa ulat ng nakakuha ng litrato at video, alegadong ginamit ang nasabing sasakyan para sa isang swimming trip. Dahil araw ng pangingilin at holiday, binigyang-diin ng mga nakasaksi na imposibleng "official business" o "official travel" ang pakay ng nasabing behikulo sa kalsada.
Ang insidenteng ito ay direktang tila sumusuway sa DILG Memorandum Circular No. 2026-011 na inisyu nitong nakaraang Pebrero 2026. Sa ilalim ng kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng gobyerno para sa mga personal na lakad o gawain tuwing mga pista opisyal at katapusan ng linggo. Ang sinumang halal o itinalagang opisyal na mapapatunayang lumabag sa nasabing patakaran ay mananagot at mahaharap sa nararapat na administratibo at kriminal na pananagutan.

Bagama't wala pang opisyal na pahayag ang tanggapan ng Alkalde ng Legazpi, malakas ang paniniwala ng publiko na hindi itotolerar ng kasalukuyang administrasyon ang ganitong uri ng pang-aabuso sa kagamitan ng gobyerno.

"Ang pera ng taumbayan ay dapat mapunta sa serbisyo, hindi sa bakasyon," anang isang netizen na nakakita sa post.

Inaasahang magsasagawa ng imbestigasyon ang kinauukulan upang matukoy kung sino ang mga opisyal o empleyadong gumamit ng sasakyan at upang mapatawan ng karampatang parusa kung mapatutunayang may paglabag sa batas.

| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

SUNWEST EMPLOYEES LUMUSOB SA DOLE Dahil sa hindi bayad na 13th Month Pay at 'unclear termination'

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash