Batan-Rapu-Rapu Infirmary Hospital, Bukas na para sa Out-patients

Batan-Rapu-Rapu Infirmary Hospital, Bukas na para sa Out-patients
BATAN ISLAND, RAPU-RAPU ALBAY – Pormal nang binuksan ngayong araw ang serbisyo para sa mga "Out-patient" sa Batan-Rapu-Rapu District Hospital, isang mahalagang hakbang upang mailapit ang serbisyong medikal sa mga residente ng isla.

Sa isang pahayag sa Facebook at mensahe ni Albay Governor Noel E. Rosal sa ginanap na pagbubukas, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pasilidad para sa mga mamamayan ng Rapu-Rapu, partikular na sa mga naninirahan sa Batan.

Sa ngayon ang Out-patient Services ay kasalukuyang tumatanggap na ng mga pasyente, habang ang In-patient Services ay inaasahang magbubukas at magiging operational na sa mga susunod na araw.

Hindi naman kinalimutan ng Gobernador na pasalamatan ang mga opisyal na naging bahagi ng mahabang proseso upang maisakatuparan ang proyektong ito. Kinilala niya ang kontribusyon nina, Former Governor Al Francis Bichara, Former Governor Edcel "Grex" Lagman, Former OIC Governor Glenda Ong Bongao, Lokal na pamahalaan ng Rapu-rapu, At ang Sangguniang Panlalawigan ng Albay.

"Salamat sa lahat ng nagtulung-tulong para maging posible ito para sa mga tao ng Batan, Rapu-Rapu," anang Gobernador.

Kasabay ng kagalakan sa bagong pasilidad, nag-iwan din ng paalala si Gov. Rosal sa mga mamamayan na pahalagahan at ingatan ang nasabing ospital.

"Alagaan ta po ini," (Alagaan po natin ito), ang naging pagsusumamo ng opisyal, upang masiguro na magtatagal ang serbisyo nito para sa mga susunod na henerasyon ng mga Albayano sa isla.
| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

SUNWEST EMPLOYEES LUMUSOB SA DOLE Dahil sa hindi bayad na 13th Month Pay at 'unclear termination'

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash