Industriya ng Pagpapanday sa Tabaco Palalakasin gamit ang Bagong SSF


Industriya ng Pagpapanday sa Tabaco Palalakasin gamit ang Bagong SSF
Isinagawa kahapon ni Albay 1st District Congresswoman Krisel Lagman ang isang site inspection para sa itinatayong Shared Service Facility (SSF) na nakatuon sa pagpapabuti ng teknolohiya at produksyon ng metal craft industry sa Tabaco City.

Ang naturang pasilidad ay itinatayo sa isang lupain sa Barangay Cobo na nasa ilalim ng isang usufruct agreement sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng pamilya Lagman.

Ang property na ito ay nagsilbing unang investment ng ama ng mambabatas noong ito ay nagsisimula pa lamang bilang isang abogado noong unang bahagi ng dekada '70.

Layunin ng pamilya na gamitin ang lupang ito upang bigyang-pugay ang mga manggagawa at iangat ang antas ng pamumuhay ng mga lokal na artisano, partikular na ang mga tanyag na panday ng lungsod.

Ang proyektong ito ay nagsisilbi ring pagkilala sa naging adbokasya ng kanilang ama at mga tiyuhin na sina Hermon at Popoy Lagman na naglaan ng kanilang buhay sa pagtulong sa sektor ng paggawa.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito na pinangunahan ni Congresswoman Lagman, inaasahang magkakaroon ng mas modernong kagamitan at mas malawak na oportunidad ang mga manggagawa sa industriya ng metal craft sa Albay.
| 𝗑𝗲𝗹 π—”π—±π˜π—Όπ—Όπ—», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com

###

Comments

Popular posts from this blog

Tragedy Strikes: 11 Dead in UV Express Accident on Nabua-Legazpi Route

SUNWEST EMPLOYEES LUMUSOB SA DOLE Dahil sa hindi bayad na 13th Month Pay at 'unclear termination'

Heartbreaking Final Vows: Love Ends in Tragedy in Camalig Crash