Pantao Port sa Libon, Magiging Pintuan Patungong Boracay at Iloilo
Pantao Port sa Libon, Magiging Pintuan Patungong Boracay at Iloilo
LUNGSOD NG LEGAZPI — Target ngayon ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal na gawing pangunahing "maritime gateway" ang Pantao Port sa bayan ng Libon upang ikonekta ang lalawigan ng Albay sa mga tanyag na destinasyon sa Western Visayas gaya ng Boracay at Iloilo.
Sa ginanap na flag-raising ceremony sa Provincial Capitol nitong Abril 21, 2026, inilahad ng gobernador ang mga plano para sa pagbubukas ng mga potensyal na commercial sea routes. Layunin ng inisyatibong ito na makuha ang daloy ng mga turista mula sa Boracay at patatagin ang ugnayang pang-ekonomiya sa Lungsod ng Iloilo.
Inaasahang magdadala ang proyekto ng malaking benepisyo tulad ng paglago ng turismo dahil sa mas madaling akses sa pagitan ng Bicol at Visayas, pagpapalawak ng oportunidad sa negosyo at mas mabilis na logistika para sa Albay at mga karatig-lalawigan, at ang pagiging sentro ng biyaheng pandagat at regional integration ng Pantao Port.
"Ang pag-unlad na ito ay magbabago sa Pantao Port bilang isang mahalagang hub para sa panrehiyong paglalakbay at logistika," anang gobernador.
Ayon sa mga opisyal ng lalawigan, ang panukalang ito ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang "inter-island connectivity" o ang paguugnay-ugnay ng mga isla sa Pilipinas para sa mas masiglang ekonomiya.
| π‘π²πΉ ππ±ππΌπΌπ», Simpleng Duon, Bicol Net TV
simplengduon@bicolnet.com
#SimplengDuon
#SimplengAksyon
#BicolNetTV
#BicolNews
#BaretangBicol
Comments
Post a Comment