Gov. Noel Rosal, Nagbabala ng Demanda Laban sa Rappler; Fake News sa COA Ruling, Mariing Itinanggi
Gov. Noel Rosal, Nagbabala ng Demanda Laban sa Rappler; Fake News sa COA Ruling, Mariing Itinanggi LALAWIGAN NG ALBAY — Pormal na hiniling ni Albay Governor Noel Ebriega Rosal sa media outlet na Rappler, Inc. na tanggalin ang kanilang artikulong may pamagat na "COA upholds ruling vs Albay governor, wife on 'irregular' cash aid" na nailathala nitong Pebrero 27, 2026. Ayon sa gobernador, ang nasabing ulat ay puno ng mga "maling impormasyon at nakaliligaw na pahayag" na nagdudulot ng labis na pagkabahala sa publiko at sa kanyang administrasyon. Sa pamamagitan ng isang liham mula kay Provincial Legal Officer Atty. Marietta Belgica-Cledera, binigyan ng kampo ni Rosal ang Rappler ng 24 oras upang burahin ang nasabing artikulo. Mariing itinanggi ni Governor Rosal ang nilalaman ng artikulo na nagsasabing may pinagtibay na desisyon ang Commission on Audit (COA) laban sa kanya at sa kanyang asawa hinggil sa umano’y iregular na pamamahagi ng ayuda. Binigy...