Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital
Gob. Rosal, Nagpaabot ng Hamon at Pasasalamat sa Pagbubukas ng Pioduran Memorial District Hospital PIODURAN, ALBAY – Binigyang-diin ni Gobernador Noel E. Rosal ang kahalagahan ng tapat at may malasakit na paglilingkod sa ginanap na soft opening ng Pioduran Memorial District Hospital ngayong araw. Sa kanyang mensahe, hinamon ng gobernador ang mga kawani ng ospital, partikular na ang mga nurse at doktor, na magsilbi nang may puso at dedikasyon para sa mga mamamayan ng Pioduran at mga karatig-bayan. “Serve with passion,” ani Rosal. “Dito sa ospital na ito, hindi lang tayo basta nagtatrabaho. Nandito tayo dahil pinili nating magsilbi sa ating kapwa.” Ipinaalala rin ng gobernador na sa larangan ng serbisyo publiko, walang sinuman ang “indispensable” o hindi mapapalitan. Ayon sa kanya, ang bawat posisyon—mula sa mga kawani ng ospital hanggang sa kanyang katungkulan bilang gobernador ay nakadepende sa tiwala ng taumbayan. “Nobody is indispensable in this world. Maski ang gobernado...